VietJet Air plane nag-emergency landing sa Laoag airport

CAAP – LAOAG PHOTO

Napilitan ang piloto ng VietJet Air flight VJC975 na magsagawa ng  emergency landing sa Laoag International Airport kaninang madaling araw.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nag-abiso na lamang ang piloto sa control tower ng paliparan na nakakaranas ng “technical problem” ang kanilang eroplano.

Nabatid na may sakay na 207 pasahero at pitong crew ang eroplano.

Nagmula ito sa Incheon, South Korea at patungo sa Phu Quoc, Vietnam nang maganap ang problema.

Maayos naman ang kondisyon ng mga sakay ng eroplano at ang mga pasahero ay binagyan ng pagkain ng CAAP, bukod sa Malasakit Help Kit.

Mamayang alas-2;30 ng hapon ay inaasahan ang dating ng recovery flight mula sa Vietnam.

 

Read more...