Sa Intramuros Maynila, maagang sinimulan ang pagtatayo ng tents na gagamitin sa shake drill.
Ang bahagi ng Intramuros sa kanto ng Burgos at Bonifacio Drive sa harapan ng Manila Hotel ang gagamiting command post para sa West quadrant at pagtatayuan ng field hospital, pagdarausan ng aerial at damage assessment at security management sa gaganaping shake drill.
Sakop ng West quadrant ang Malabon, Navotas, at Maynila.
Kabilang sa mga scenario na magaganap sa West quadrant ang pagguho ng ilang establisyimento; sunog sa bahagi ng Liwasang Bonifacio; mass evacuation sa Manila City Hall; sunog sa Baseco compound; sunog at mass evacuation sa Manila Hotel; train derailment sa LRT Central Station at mass evacuation sa Malabon City Hall at Navotas City Hall.