Nagpakalawa ng ballistic missile ang North Korea sa bahagi ng east coast.
Pinaniniwalaang intermediate-range Musudan ang pinakawalan ng North Korea ngayong umaga, gayunman, pumalya umano ang test-launch.
Ayon sa ulat ng Yonhap News Agency, alas 5:58 ng unang magpakawala ng missile ang North Korea malapit sa Wonsan pero hindi ito naging matagumpay batay sa monitoring ng Joint Chiefs of Staff.
Na-detect din ng US military ang launching ayon kay Commander Dave Benham ng Pacific Command ng Navy.
Dahil naman sa pagpalya ng missile launching iniulat ng Yonhap na agad itong sinundan ng isa pang missile launching ng North Korea sa east coast.
MOST READ
LATEST STORIES