Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na isusulong niya ang pagbawi na sa COVID 19 Public Health Emergency sa bansa.
Naniniwala si Herbosa na wala na ang “emergency” dulot ng 2019 coronavirus.
Itinuturing ng opisyal ang COVID 19 na ordinaryong sakit gaya ng sipon, influenza at iba pa.
Ngunit aniya mananatili naman ang COVID 19 alert system.
“The alert level system will stay kasi that’s a system like the typhoon signal that stays but actually, parang hindi na siya public health emergency,” aniya.
Idineklara ni dating Pangulong Duterte ang state of calamity dahil sa COVID 19 noong Marso 2020.
Noong nakaraang Mayo, inanunsiyo ng World Health Organization (WHO) na hindi na “public health emergency of international concern” ang COVID 19.
Dito sa Pilipinas, hindi na pinalawig pa ni Pangulong Marcos Jr., ang “state of calamity” nang magtapos ito noong nakaraang Disyembre 31.