DWPH Regional Office 1 itinanghal na Most Outstanding Regional Office

 

Nasungkit ng Regional Office 1 ng Department of Public Works and Highways ang Most Outstanding Regional Office award.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagbigay ng parangal kay Engineer Ronnel Tan sa 125 Founding anniversary ng DPWH na ginanap sa Port Area, Manila.

Nakuha ng Regional Office 1 ang 92.50 percent na ratings.

Bukod sa pagiging Most Outstanding DPWH Regional Office, nakuha rin ng Regional Office 1 ang District Engineering Office award para sa Calendar Year 2020 na isinagawa kamakailan ng Praise Committee.

Nagpapasalamat naman si Tan sa parangal na iginawad ng DPWH at ni Pangulong Marcos.

Read more...