Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang Abra de Ilog sa Occidental Mindoro kaninang 12:00 ng tanghali, Hunyo 24.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na tatlong kilometro.
Naramdaman ang Intensity IV sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Abra de Ilog, Occidental Mindoro.
Naramdaman ang Intensity III sa San Teodoro, Oriental Mindoro, Intensity sa Magsaysay, Occidental Mindoro, Baco sa Calapan City, Roxas sa Oriental Mindoro at Tingloy at Mabini sa Batangas.
Wala namang inaasahang aftershocks matapos ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES