Oil price increase aarangkada sa susunod na linggo


 

Nagbabadyang tumaas ang presyo ng langis sa susunod na linggo.

Ito at matapos ang ilang linggong sunod na roll back.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, nasa 90 sentimo hanggang P1.20 ang itataas sa presyo ng diesel kada litro.

Nasa P1 hanggang P1.30 naman ang itataas sa presyo ng kersone kada litro.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasoline pero kung magkakaroon man ay maaring tumaas ng 30 sentimo kada litro.

Ayon sa mga kompanya ng langis, ang paggalaw ng bentahan sa merkado ang sanhi ng paggalaw ng preyo.

 

Read more...