Inilunsad ng Quezon City government ang Right to Care Card para sa LGBTQIA+ community.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layunin ng program ana mabigyan ng pagkakataon ang nasa LGBTQIA+ community na magkaroon ng medical decisions para sa kanilang mga partner.
Magiging operational ang Right to Care Card sa pamamagitan ng Special Power of Attorney (SPA) at kikilalanin ang desisyon kung tututol o sasang-ayon sa mga medical care ng kanilang mga partner kabilang na ang treatment, procedures, tests, at prescriptions.
“There have been reports of LGBTQIA+ community members who were prohibited from making crucial decisions when their partners were admitted to intensive care units of hospitals,” pahayag ni Belmonte.
“We want all of our residents, regardless of sexual orientation, to be with their partners in critical moments, and we are taking this important step to assure the rainbow community that they are cared for, recognized and valued in Quezon City,” dagdag ni Belmonte.
Sa kasalukuyan, kinikilala lamang ng mga ospital at medical facilities ang desisyon ng mga legal na asawa o mga kamag-anak at hindi ng mga partner ng same-sex couple.
Sabi ni Belmonte, unang ipatutupad ang Right to Care program sa Quezon City General Hospital, Novaliches District Hospital, at Rosario Maclang Bautista General Hospital.
Susunod naman aniya ang mga pang mga ospital o sa private hospital sa lungsod.