Nasa 30 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang nabigyan ng titulo ng lupa sa Calatrava, Negros Occidental.
Ayon sa Department of Agrarian Reform, ang 16 ARB ay itinalaga sa lupain na dating pinamamahalaan ni Dalmacio Guzon, na may title number RP-1501 (1290), na may Lot Nos. 3521, na may sukat na 17.9632 ektarya, na matatagpuan sa Barangay Agpangi.
Nasa 14 ARB naman ay itinalaga sa lupaing dating pagmamay-ari nina Lydia Primicias at Elfa Larrazabal, na may title number T-144913, na may Lot No. 2072 CAD.149, na may sukat na 3.1290 ektarya, sa Barangay Ilaya.
Ayon kay Ruby Pontino, Municipal Agrarian Reform Program Officer (MARPO), ang aktibidad na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DAR Secretary Conrado Estrella III na mapagkalooban ng lupaing matatamnan ang mga magsasakang walang lupa.
“Sana ay patuloy ninyong alagaan ang inyong mga lupain at umaasa kami na mapaunlad nito ang inyong mga pamumuhay,” ayon kay Pontino.
Ang nasabing aktibidad ay naipatupad sa ilalim ng Land Acquisition and Distribution sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program, kung saan ang mga pampubliko o pampribadong lupaing pang-agrikultural ay sinasakop ng pamahalaan upang ipamahagi isa mga kwalipikadong maging ARB na kinabibilangan ng mga nangungupahan, magsasaka, manggagawang bukid at iba pang mga magsasaka.