Bilang ng mga nasawi sa lumubog na fishing boat sa Davao Oriental, umakyat na sa 3 katao

Photo credit: PCG/Facebook

 

Umakyat na sa tatlo ang bilang ng nasawi sa paglubog ng fishing boat na Genesis 2 sa Davao oriental.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ito ay matapos marekober ang isa pang bangkay kaninang umaga sa karagatan ng Baganga.

Ayon sa PCG, anim katao pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Nasa ligtas ng kalagayan ngayon ang 14 na survivor na nailigtas ng PCG sakay ng BRP Tubbataha.

Ayon sa salaysay ng mga nakaligtas, bigla na lamang nagbago ang kondisyon ng dagat at sinalubong ng malalakas na alon dahilan para lumubog ang fishing boat noong Hunyo 22 ng 1:00 ng madaling araw.

 

Read more...