(Facebook account)
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Eli Remolona bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Papalitan ni Remolona si BSP Governor Felipe Medalla na matatapos ang anim na taong termino sa Hulyo 2.
Sabi ng Palasyo, ang malawak na karanasan ni Remolona sa central banking, economic policy, international finance at financial amrkets ay tiyak na malaking tulong sa pagtupad sa bagong tungkulin.
Itinalaga ni Pangulong Marcos si Remolona matapos ang malawakang konsultasyon sa Department of Finance, ibat ibang tanggapan ng gobyerno, pribadong bangko at financial institutions.
Bago naitalaga sa bagong puwesto, 14 taon na nagsilbi si Remolona sa Federal Reserve Bank of New York, 19 taon sa Bank for International Settlements (BIS) kung saan nagsilbi siya bilang regional head for Asia and the Pacific.
Sa naturang posisyon, pinamahalaan ni Remolona ang 12 leading central banks sa rehiyon kung saan tinutukan nito ang financial stability, capital market development, at asset management for Asia-Pacific central banks.
Nagsilbi rin si Remolona bilang propesor ng Finance and Director of Central Banking sa Asia School of Business sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nagturo rin si Remolona sa e MIT Sloan School of Management mula 2019 hanggang 2022.
Bago naitalaga bilang governor, nagsilbi si Remolona bilang miyembro ng Monetary Board ng BSP simula noong Agosto 2022.
Pangako ni Remolona, itataguyod ang financial stability, monetary policies at palalakasin ang banking sector.