Mga apektadong residente dahil sa bakbakan ng AFP at NPA, tinulungan ng DSWD

 

Binigyan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development ang 75 pamilya na apektado ng bakbakan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at New People’s Army sa Barangay Agpay, Guinobatan, Albay.

Mismong si DSWD Bicol Field Office Regional Director Norman Laurio ang namahagi ng relief items.

Kabilang sa mga ibinigay ng DSWD ang relief items gaya ng family food packs at non-food gaya ng hygiene, sleeping, at family kits.

Nagbigay din ang DSWD ng psychosocial debriefing sa mga apektadong residente para makaiwas sa trauma.

Nanatili ngayon sa temporary shelter ang mga apektadong residente sa barangay hall ng Agpay.

Mahigit isang oras na nagpalitan ng putok ang mga sundalo at rebelde sa lugar noong Miyerkules, Hunyo 21.

 

 

Read more...