Dalawa patay sa paglubog ng fishing boat sa Davao Oriental

 

Photo credit: PCG/Facebook

Isa pang bangkay ang narekober ng Philippine Coast Guard sa lumubog na fishing boat sa Davao Oriental.

Ayon sa PCG, narekober ang bangkay kaninang 7:30 ng umaga.

Dahil dito, dalawa na ang bilang ng nasawi nang lumubog ng fishing boat na Genesis 2.

Sabi ng PCG, ang narekober na bangkay kaninang umaga ay ang naunang naiulat na nawawalang crew ng Genesis 2.

Pitong crew pa ang patuloy na pinaghahanap ngayon ng PCG.

Nasa 14 katao na ang na-rescue ng PCG.

Nabatid na sinalubong ng malalakas na alon ang bangka  dahilan para lumubog ito.

 

Read more...