Tugade sa mga negosyante: ‘Wag rin kayong maging corrupt

 

Reymond Orejas/Inquirer Central Luzon

Hinimok ng mga economic managers ng Duterte administration ang mga negosyante na huwag silang pakitaan ng katiwalian kung ayaw nilang maging tiwali rin ang gobyerno.

Ito ang naging panawagan ni incoming Transportation Sec. Arthur Tugade sa pagsasama-sama ng mga daan-daang negosyante at ng mga economic managers ni Duterte sa “Sulong Pilipinas: Hakbang Tungo sa Kaunlaran” consultative workshop.

“You expect us not to be corrupt. Can we expect you not to corrupt us?” ani Tugade.

Sa nasabing workshop rin inilahad ng mga negosyante ang kanilang 10 rekomendasyon sa bagong administrasyon.

Ito ang mga sumusunod:

1. The adoption of comprehensive tax reform;

2. The adoption of a national ID system;

3. Further ease in doing business;

4. The improvement of telecommunications and internet services;

5. The delivery of support services to farmers such as financing, technology and logistics;

6. The implementation of responsible mining, with local value-added such as processing, while limiting raw ore exports;

7. The development of regional industries while equipping the local workforce with necessary skills;

8. The improvement of transport networks across the country to foster connectivity;

9. A review of the conditional cash transfer program, as it promotes dependency on the government; at

10. The speedy implementation of public-private partnership and infrastructure projects as well as respecting the sanctity of contracts.

Bilang tugon naman sa ikasampung rekomendasyon, tiniyak ni Tugade na rerespetuhin nila ang “sanctity” ng mga kontrata.

Siniguro rin ni Duterte sa mga negosyante na pag-aaralan ng kaniyang administrasyon ang mga rekomendasyong ito. asyon.

Read more...