Nagpapasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mataas na pagsuporta ng taong bayan sa kanyang administrasyon.
Tugon ito ni Pangulong Marcos sa resulta ng survey ng Publicus Asia kung saan 62 percent mula sa 60 percent ang nakuhang approval rating.
Sabi ng Pangulo, patunay ito na nagkakaisa at nagkakaunawaan ang taong bayan.
“I have to thank all those who have continued to support not only myself but all of the different things that we have been trying to do to make life better for all Filipinos, to find ways to bring us into the forefront of the global economy,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Para naman kilala na ang Pilipinas na magandang magtrabaho dito, maganda mag-invest dito, maganda magnegosyo, magandang kausap ang gobyerno, magandang kausap ang mga private sector. Iyon ang ating habol para sa ekonomiya,” pahayag ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, walang ibang hangad ang administrasyon kundi ang mapabuti ang buhay ng bawat Filipino.
“At the same time, we always have – we are government after all, and the social side of that is also very important. So, talagang pinipilit natin. But we can only afford a large social program if you have a robust business side that is also giving you returns,” pahayag ng Pangulo.