Walang volcanic earthquake na naitala sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nasa 299 rockfall events at walong dome collapse pyroclastic density current events ang naitala sa bulkan.
Mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 2.5 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.8 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater ang naging aktibdiad ng bulkan.
Nasa 574 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.
Nasa 750 metrong taas ng plume ang ibinuga ng bulkan na may katamtamang pagsingaw at napadpad sa timog-kanluran.
Nanasatili sa Alert Level 3 ang bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES