Tinanggal na ng YouTube ang channel ni Kingdom of Jesus Christ leader, Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon sa video sharing site, nilabag ng naturang channel ang ilan sa kanilang mga pamantayan.
Nag-ugat ang hakbang sa isang tweet na pinuna na nananatiling aktibo ang naturang channel sa kabila ng pagkakaroon ng arrest warrant ni Quiboloy mula US Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa ibat-ibang kaso.
“Hey, update here: upon review, we’ve determined that the channel is in violation of Community Guidelines & has been terminated,” ang sagot ng YouTube sa puna sa kanila.
Nahaharap sa kasong sex trafficking sa US si Quiboloy, na kilalang malapit kay dating Pangulong Duterte.
MOST READ
LATEST STORIES