Kapwa akusado ni de Lima hinuli sa paglabas sa kulungan ng NBI

FILE PHOTO

Naaktuhan ang isang kapwa akusado ni dating Senator Leila de Lima sa kasong may kinalaman sa droga matapos makalabas ng NBI Detention Center kagabi.

Kasama ni John Adrian Dera ang anim na ahente ng NBI nang bumalik sa NBI compound.

May mga ulat na may bitbit na P25 milyon si Dera at ito diumano ay para sa mga kapwa akusado naman ni suspended Negros Oriental Rep. Arnie Teves.

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakahuli kay Dera bagamat walang kumpirmasyon ukol sa pera na bitbit nito.

Sinabi naman ng Raymond Palad, abogado ni Dera, inilabas ng kulungan ang kanyang kliyente dahil sa isyung medikal.

Itinanggi din niya na may bitbit si Dera na P25 milyon at wala din itong kaugnayan kay Teves.

Sa bahagi naman ng NBI, inalis na sa posisyon ang namumuno sa kanilang Security Management Section habang iniimbestigahan ang insidente.

 

Read more...