ASG, pinasusuko na ni Duterte

 

Inquirer file photo

Pinasusuko na ni incoming President Rodrigo Duterte ang mga bandidong Abu Sayyaf at hinimok ang mga ito na palayain na lahat ng kanilang mga bihag nang walang kapalit.

Banta sa kanila ni Duterte, kung hindi pa sila magkukusang sumuko, mauuwi lamang ito sa labanan at kailangan nilang harapin ang kalalabasan ng kanilang mga pinaggagawa.

Aniya oras na matapos na ang mga negosasyon sa MILF at MNLF, tatapusin na niya ang Abu Sayyaf.

Matatandaang bukod sa walang nakuhang ransom, isa sa mga dahilan ng Abu Sayyaf kaya nila pinugutan ang dayuhan nilang bihag ay para hamunin ang matapang na susunod na pangulo ng bansa.

Mismong ang tagapagsalita ng Abu Sayyaf na si Abu Raami ang nagsabi na ginawa nila ito para ipahiya si Duterte sa ipinangako nito kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau na ililigtas niya ang Canadian na si Robert Hall.

Read more...