Facebook, handang tumulong sa inagurasyon ni Duterte

 

Lumapit ang Facebook sa kampo ni incoming president Rodrigo Duterte upang mag-alok ng tulong sa kaniyang communications team, lalo na para sa nalalapit nitong inagurasyon.

Sa inilabas na pahayag ng kampo ni Duterte, nag-pulong na sina incoming Presidential Communications Sec. Martin Andanar, incoming Presidential spokesperson Ernie Aballa at ang pinuno ng Facebook Public Policy for Asia Pacific na si Elizabeth Hernandez.

Napag-usapan sa nasabing pulong kung paano gagawan ng livestream ang inagurasyon ni Duterte sa June 30, pati na rin ang ilan pang planong may kaugnayan sa komunikasyon sa kasagsagan ng kaniyang termino.

Ayon pa sa pahayag, mismong ang nasabing opisyal ng Facebook ang lumapit sa communications team ni Duterte para ialok ang suporta nila sa makasaysayang okasyon na ito.

Mababatid na isa si Duterte sa pinaka-pinaguusapang kandidato hindi lang sa Facebook, kundi pati na rin sa ibang social media sites tulad ng Twitter.

Read more...