Taliwas sa Duterte inauguration, departure ceremony ni PNoy, bubuksan sa media

 

Malacañang photo

Bagamat hindi imbitado ang media sa inagurasyon ni President-elect Rodrigo Duterte, bubuksan naman sa mga mamamahayag ang departure ceremony para kay Pangulong Benigno Aquino sa posisyon sa June 30.

Ayon sa Media Relations Office ng Malacañang, imbitado parin ang media sa gagawing departure honors para kay Pangulong Aquino.

Bago mag alas-12:00 ng tanghali ay darating sa Malacanang si President -elect Duterte kung saan sasalubungin ito ni Pangulong Aquino.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap ng dalawa ay ihahatid naman ni Duterte si Pangulong Aquino sa labas para naman simulan ang departure honors na ibibigay ng honor guards ng Presidential Security Group.

Paglabas naman ng Malacañang, ay diretso nang uuwi na si Pangulong Aquino sa kanyang bahay sa Times Street sa Quezon City upang simulant ang kanyang buhay bilang isang ordinaryong mamamayan.

Pagsapit naman ng alas-dose ng tanghali ay manunumpa na sa posisyon si President Rodrigo Duterte sa Rizal Hall ng palasyo na nauna nang inanunsyo na sarado sa media at eksklusibong iko-cover ng PTV-4 at Radio-TV Malacañang.

Read more...