Pinag-aaralan ng National Housing Authority (NHA) ang paglalagay ng mga Kadiwa Store sa mga resettlement site ng pamahalaan.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai ito ay para matulungan ang mga residente na makabili ng mura at masustansyang pagkain,bukod sa matutulungan din ang mga magsasaka.
Nakipagpulong na rin si NHA Asst. General Manager Alvin Feliciano kay Agriculture Asec. Kristine Evangelista para sa paglalagay ng mga Kadiwa stores sa mga resettlement areas.
Ayon kay Feliciano, dahil sa mga itinayong farm-to-market roads at direktang pagbebenta ng produkto ang dahilan kung kaya mababa ang presyo kumpara sa mga palengke.
Dagdag pa ng opisyal. target ng NHA na masimulan ang paglalagay ng Kadiwa Stores sa susunod na buwan.
Bukod sa Kadiwa Stores, target din ng NHA at DA na maglagay ng techno demo seminars, urban gardening, value adding training, seedling distribution at iba para sa mga informal settlers.