9,500 traffic violations kada buwan sa MM – MMDA

Dumami ang mga lumalabag sa mga batas-trapiko  nang suspendihin ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Atty. Melissa Carunungan na nasa 9,500 ang average na paglabag sa batas trapiko kada buwan.

Tanging ang mga closed circuit television (CCTV) lamang ang kumukuha sa mga traffic violations sa NCAP

Ani Carunungan nang suspendihin ang NCAP, nasa 32,000 na motorista ang nahuli dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Pangako nito kapag muling naikasa ang  NCAP, magiging patas ang kanilang hanay sa panghuhuli sa mga pasaway na mga motorista.

“Mas magiging patas po para sa lahat ng motorista dahil mababantayan po ang mga major roads ng Metro Manila na hindi talaga kaya namin bantayan 24/7. Pinaghahandaan na rin po ang computerization ng mga sending of notice, agreement with PhilPost, ipi-print po namin ang mga envelopes na may barcode para po mas madali ang sending of notices at ma-address rin po ang karamihan ng issues kagaya po ng due process at data privacy concerns sa pamamagitan po ng Single Ticketing System,” pahayag nito.

Read more...