Kasunod ito ng pasiya ni outgoing PNP Chief, Dir. Gen. Ricardo Marquez na maagang magretiro eksaktong 2 buwan bago ang kanyang retirement date sa August 28.
Posible namang magsilbing OIC ng ilang araw si Chief of the Directorial Staff Deputy Dir. Gen. Francisco Uyami na number 4 man ng PNP sa gitna ng inaasahang pag-upo ni incoming PNP Chief Ronald dela Rosa sa susunod na buwan.
Samantala, ang number 3 man naman na si Deputy Chief for Operations Deputy Dir. Gen. Danilo Constantino ay mag-eearly retirement na rin sa darating na Biyernes, June 24.
Lalabas na ang no. 1 at number 2 post sa pambansang pulisya ay mababakante simula sa June 28 habang bakante na ang no. 3 post ngayong Biyernes.