Mga problema at isyu sa mga biyahe ng Philippine carriers nangyayari sa buong mundo

Humingi ng paumanhin ang Cebu Pacific sa mga naapektuhang pasahero dahil sa ibat-ibang isyu.na

Sa pagdinig ng Senate Committee on Tourism, sinabi ni CebuPac Chief Commercial Officer Alexander Lao naiintindihan nila ang pagkadismaya ng mga pasahero sa mga isyu ng overbooking at denied boarding.

Ngunit  aniya karamihan sa  mga isyu ay nag-ugat sa mga sitwasyon na wala na sa kanilang kamay o kontrol.

Nabanggit niya na habang pinasisigla nila ang pagbawi, noong Marso hanggang Abril ay naramdaman nila ang panibagong hamon – ang isyu sa Pratt and Whitney engines na gamit ng Airbus A321 at A320 NEO aircrafts.

Sinabi nito na sa buong mundo, 120 aircrafts na ang hindi makalipad dahil sa naturang isyu at sa bahagi ng CebuPac ay tatlong Airbus A321 at A320 NEO ang hindi makalipad simula noong Marso.

Sa India, nagsara ang Go First airline dahil sa marami sa kanilang eroplano ang hindi makalipad at sinisi ang Pratt & Whitney.

Gayunpaman, tiniyak ni Lao na determinado sila na maresolba ang mga isyu para sa tiwala at kumpiyansa ng kanilang mga pasahero.

“To enhance our operations and assist affected customers, we have implemented measures such as activating a disruption management team, increasing live chat agents and improving policies and processes for disruption handling and communication,” sabi pa ni Lao.

Bago ito, kanya-kanyang pagbabahagi sina Binay, Sens. Grace Poe, Raffy Tulfo, Risa Hontiveros, JV Ejercito, Christopher Go at Ronald dela Rosa sa pagbabahagi ng mga natanggap nilang reklamo at maging personal na hindi magandang karanasan sa pagsakay sa carriers sa bansa.

Kabilang din sa mga naging resource persons ay mga pasahero na ibinahagi ang kanilang pangit na karanasan sa pagbiyahe.

 

 

Read more...