PBBM sinaksihan unang pagtuturok ng bivalent COVID 19 vaccines

MPC PHOTO

Sinimulan na ng gobyerno ang pagturok ng bivalent COVID-19 vaccine sa bansa.

Sinaksihan ito mismo ni Pangulong  Marcos Jr. sa Philippine Heart Center (PHC) sa Quezon City ngayong umaga.

Si Health Sec. Ted Herbosa ang unang recipient ng bivalent vaccine at  2,900 bivalent doses ang inilaan sa Philippine Heart Center.

Sinabi ni Herbosa, unang tuturukan ng bivalent vaccine ang mga health workers.

Nasa 390,000 doses ng bivalent ang ibinigay ng Lithuania sa Pilipinas.

Read more...