Ang mga hininging payo ni Dela Rosa kina Ramos, Lacson at Marquez ay kung paano mapamumunuan ang 160,000 na tauhan ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Dela Rosa, marami siyang natanggap at umaasa siyang makakatulong ang mga ito sa pagganap niya sa kaniyang magiging tungkulin.
Payo aniya sa kaniya ni Lacson na huwag magpapabulag sa kapangyarihan at pera, habang si Ramos naman, binigyan siya ng “technical advice” sa kung paano magpapatupad ng counterinsurgency measures laban sa New People’s Army at Moro National Liberation Front (MNLF).
Pero aniya, ang pinakamagandang payo na kaniyang natanggap ay mula kay Marquez, dahil sinabihan lamang siya nito na maging ama ng buong organisasyon ng mga pulis.
Bago siya manungkulan sa susunod na buwan, ipinangako ni Dela Rosa sa publiko na ang tangi niyang bitbit sa kaniyang paninilbihan ay ang malinis na puso at konsensya.