Mataas na presyo ng sibuyas isinisi ni PBBM sa hoarders
By: Chona Yu
- 2 years ago
Itinuro ni Pangulong Marcos Jr. ang mga hoarder na pangunahing dahilan ng mataas ng presyo ng sibuyas sa bansa.
Katunayan sinabi ng Pangulo, hindi ipinagagamit ng mga sindikato ang cold storage sa ibang negosyante.
“I think maliwanag na maliwanag na sa ating lahat na ‘yung pagtaas ng presyo by 87 percent noong nakaraang Pebrero – Enero, Pebrero, walang dahilan ’yun. Kumpleto ang onion natin dito. Nagho-hoard lang talaga at iniipit ang presyo,” pahayag ng Pangulo.
“Tapos ‘yung cold storage ay hindi pinapagamit sa iba para ‘yung kontrolado lang – ‘yung mga sindikato, ‘yung kontrolado lang nila na onion, ‘yun lang ang puwedeng aabot sa palengke,” dagdag pa nito.
Umabot ng hanggang P600 ang kada kilo ng sibuyas sa merkado.