Lava flow ng Bulkang Mayon umabot sa 1.5 kilometro

 

Umabot sa 1.5 kilometro mula sa summit crater ang lava ng Bulkang Mayon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, mabagal ang pagdaloy ng lava at pagguho ng hanggang 3.3 kilometro patungo sa Mi-isi at Bonga Gulies.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nanatili sa Alert Level 3 ang bulkan.

Sabi ng Phivolcs, “very slow effusion of lava flow” ang aktibidad ng bulkan.

Dalawang volcanic earthquake, 280 rockfall events at siyam na pyroclastic density current ang naitala sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Nasa 978 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan.

Umabot naman sa 100 metro ang taas ng plume na may katamtamang pagsingaw at napadpad sa gawing kanluran.

Sabi ng Phivolcs, namamaga ang bulkan.

 

Read more...