Nasa 50 persons deprived of liberty (PDL) ng Quezon City Jail Female Dormitory ang sumailalim sa skills training program.
Mismong ang mga tauhan ng Quezon City Skills and Livelihood Foundation Incorporated ang nagbigay ayuda sa mga PDL.
Sumailalim ang PDL sa skills training sa paggawa ng kakanin gaya ng buchi, palitaw na may palaman, at turon na malagkit.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layunin ng pagsasanay na mabigyan ng dagdag-kaalaman ang mga PDL na magagamit nila sa pagnenegosyo sa oras na sila’y makabalik na sa komunidad.
Bahagi ito ng programang ‘No Woman Left Behind’ ni Belmonte.
MOST READ
LATEST STORIES