MMDA personnel nasa Albay na para sa relief efforts sa mga Mayon victims

 

Nasa Albay na ang 20 kawani ng Metro Manila Development Authority.

Tutulong ang MMDA personnel sa ginagawang relief efforts ng pamahalaan para sa mga apektadong residente ng nag-aalburutong Bulkang Mayon.

Nakatakdang itayo ng naturang team ang 60 units ng solar water filtration system sa iba’t ibang evacuation centers sa probinsya.

Kaya ng filtration system na gumawa ng 180 litro ng malinis at maiinom na tubig kada oras.

 

Read more...