Kasong kriminal sa farm manager na suspek sa pagkawala ng sabungero, ibinasura ng DOJ

 

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ)  ang kasong kidnapping at serious illegal detention na inihain sa isa sa mga suspek na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Base sa resolusyon ng DOJ,walang sapat na ebidensya na magdidiin sa farm manager na si Julie Patidongan na sangkot ito sa pagkawala ng isa sa mga sabungero na si Michael Bautista.

Isa si Patidongan sa anim na suspek na sinampahan ng kasong criminal.

Sabi ng DOJ, bagamat kinikilala ng panel ang pagdurusa ng pamilya ni Bautista dahil sa kawalan ng katiyakan sa kanyang kinaroroonan, hindi masyadong binigyang bigat ang mga pagtanggi at alegasyon ng nasasakdal na si Patidongan.

Natuklasan kasi ng DOJ na hindi nagawa ng mga nagreklamo na magpakita ng sapat na ebidensya na may kinalaman si Patidongan sa pagkawala ni Bautista.

Sabi ng DOJ, nahirapan ang kanilang hanay na kilalanin ang salarin sa pagkawala ni Bautista dahil hindi naman klaro sa 12 segundo ng  CCTV ang mukha ng salarin.

 

 

 

Read more...