3 Abu Sayyaf patay, 16 sundalo sugatan sa engkwentro sa Sulu

 

Inquirer file photo

Sugatan ang 16 na sundalo makaraang makipagbakbakan sa mga Abu Sayyaf, Martes ng hapon.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Major Filemon Tan, naka-engkwentro ng 32nd Infantry Battalion ang nasa 200 miyembro ng Abu Sayyaf sa Sitio Bud Duwa Bayho sa Brgy. Pansul sa Patikul dakong alas-2 ng hapon.

Tumagal ng halos isang oras ang bakbakan na ikinasawi ng tatlong miyembro ng Abu Sayyaf, habang nasa 10 ang sugatan at ang iba ay nagpulasan sa iba’t ibang direksyon.

Dinala na ang mga sugatang sundalo sa isang trauma hospital sa Jolo, habang nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon ang kanilang pursuit operations.

Read more...