Pope Francis inaasahang lalabas na ng ospital matapos ang operasyon
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Maaring lumabas na ngayon araw si Pope Francis matapos sumailalim sa abdominal surgery noong nakaraang linggo, ayon sa inilabas na pahayag ng Vatican.
Kahapon ng umaga, pinasalamatan ng 86-anyos na Santo Papa ang mga doktor at medical staff ng Gemelli Hospital sa Rome na nag-alaga sa kanya.
Sakay ng wheelchair, binisita ni Pope Francis ang mga batang pasyente sa Pediatric Oncology at Child Neurosurgery Departments ng ospital.
Magugunita na tatlong oras ang itinagal ng operasyon sa Santo Papa noong Hunyo 7.
Magugunita na noong 2021 sumailalim na siya sa colon surgery.
Hanggang sa Hunyo 18, araw ng Linggo, ay kanselado ang “papal audiences” para mabigyan ng panahon ang Santo Papa na magpalakas.