Wala nang makakapigil sa pagtaas ng singil sa paggamit sa North Luzon Expressway (NLEX) kundi temporary restraining order (TRO) mula sa Korte, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian. Sinabi pa nito, na tanging ang Toll Regulatory Board (TRB) ang maaring pumigil sa inaprubahan nitong “toll hike.” Paalala ng senador. mandato ng TRB na mandato nito na mandato nito na protektahan ang interes ng mga motorista. Dagdag ni Gatchalian, araw-araw ay dumadaan siya sa NLEX kayat naiintindihan niya ang posisyon ng mga kontra at kumukuwestiyon sa taas-singil. Makakabuti aniya kung magkakaroon muna ng “performance evaluation” sa NLEX para may pagbasehan ng karagdagang bayad, na magsisimula ngayon araw. Para kay Gatchalian, kailangan na ayusin muna ng toll operator ang kanilang mga sistema dahil ito ang nagdudulot ng trapiko, partikular na ang mga aberya sa kanilang toll collection system.
TRO,TRB na lang ang pipigil sa NLEX toll hike – Win
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...