Mayon evacuees binista at inayudahan ni Pangulong Marcos

 

Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga evacuees na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Dalawang evacuation center ang tinungo ng Pangulo. Ito ay ang Guinobatan Community College sa Guinobatan at San Jose Elementary School sa Malilipot.

Namahagi ang Pangulo ng relief goods sa mga evacuees pati na ng financial assistance sa mga local government units.

Binigyan din ng local government officials ng situational briefing ang Pangulo sa Albay Astrodome sa Legazpi City.

Nagsagawa rin ng aerial inspection ang Pangulo sa paligid ng bulkan.

Kuntento naman ang Pangulo sa ginagawang pagtugon ng ibat ibang tanggapan ng pamahalaan.

 

Read more...