Hunyo 28 idineklarang regular holiday sa paggunita ng Eid’l Adha

INQUIRER FILE PHOTO

Idineklarang regular holiday sa buong bansa ang Hunyo 28 para sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.

Nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin para kay Pangulong Marcos Jr. ang Proclamation No. 258 noong Hunyo 13. Base sa Proclamasyon, inirekomenda ng Commission on Commission on Muslim Filipinos na maideklarang national holiday ang Hunyo 28 alinsunod sa  1444 Hijrah Islamic Lunar Calendar. Ikinukunsiderang mas banal  ang Eid’l Adha kumpara sa Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan. Ang dalawang okasyon ang dalawang Islamic holidays na isineselebra kada taon.

Read more...