Aabot sa P115 milyong halaga ng tulong ang ibinigay ni Pangulong Marcos Jr. Sa mga magsasaka sa Barangay Liwanay, Banga, South Cotabato,
Kabilang sa mga ibinigay ng Pangulo ang warehouse, hauling truck, hybrid seeders, rice processing center, rice seeder, at inbred rice seeds, at iba pa. Kasunod nito, nangako si South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. na palalakasin pa ang produksyon ng palay at pagsusumikapan na maabot ang walong tonelada ng bigas sa kada ektarya tuwing anihan. Nasa apat na tonelada ng palay lamang ang karaniwang inaani sa kada ektaryang lupa. “So tataas ang ani, eight tons per hectare. Isipin mo, 160 bags per hectare na ‘yan. Maganda na ‘yung deal sa production side. Itong ganitong klaseng programa ay ito talaga ang aming iniisip na nako-consolidate ninyo lahat ng iba’t ibang function. Lahat nung mga gawain para sa paghanda, para sa pagtulong sa magsasaka, para sa pagpapababa ng presyo ng processing, at para mabigyan naman, mabalik sa ating mga magsasaka ang kikitain para sa pagpabili ng bigas,” anang Pangulo.MOST READ
LATEST STORIES