Proteksyon sa health insurance policy pinalilinaw ni Sen. Bong Go
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Nais maamyendahan ni Senator Christopher Go ang polisiya na gumagabay sa Health Maintenance Organizations (HMOs).
Paliwanag ni Go sa inihain niyang Senate Bill 425, layon nito na mapangalagaan ang interes at kapaknan ng mga HMOs’ member, magkaroon ng transparency at matiyak na epektibo ang polisiya sa insurance sector.
Pagdidiin ng senador, napakahalaga ng papel ng HMOs sa pagbibigay ng healthcare coverage sa mga Filipino.
Dagdag pa niya, bagamat saklaw ng Insurance Commission ang HMOs, hindi naman malinaw ang mga probisyon para rito.
Nais aniya niya na maging maliwanag sa batas ang usapin ng regulatory coverage sa HMOs upang matiyak na susunod sila sa high standards ng service delivery at financial stability.
Nais ding bigyang linaw sa panukala ang isyu ng misrepresentation of coverage, denial of claims, at abrupt termination of contracts.
Naniniwala si Go na sa mas mahigpit na oversight ay makatitiyak na matutupad ang lahat ng obligasyon ng HMOs sa kanilang policyholders.