Illegal fishing ng Vietnamese sa WPS kinumpirma ng AFP

WESCOM PHOTO

Kinumpirma ni AFP – Western Command commander, Vice Admiral Alberto Carlos na may nangyayaring ilegal na pangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Carlos mga mangingisda mula sa Vietnam ang nagsasagawa ng ilegal na pangingisda. Dagdag pa niya, cyanide fishing at compressor fishing ang ginagawa ng mga banyaga. *Sa illegal fishing, ang amin pong tugon diyan ay ang pagpapalakas ng ating maritime security operations.  Sa pagtutulungan po namin, with the Philippine Coast Guard and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nagpapatrolya po ang ating mga barko diyan sama-sama – Philippine Navy at [Philippine] Coast Guard and the BFAR para po bantayan ang ano man pong mga illegal activities,” pahayag ni Carlos, nang bumisita ito sa Pag-Asa Island kamakailan. Dagdag pa ng opisyal, noong nakaraang Disyembre ang huling insidente na mayroon silang nahuling ilegal na mangingisda sa West Philippine Sea.

Read more...