Inimbitahan ng United Arab Emirates (UAE) si Pangulong Marcos Jr. na dumalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference o Conference of the Parties (COP) of the United Nations Framework Convention on Climate Change sa Expo City sa Dubai sa Disyembre ngayong taon.
Ginawa ang imbitasyon nang mag-courtesy call kay Pangulong Marcos Jr. ang mga opisyal ng UAE sa Malakanyang.
Tiniyak din ng pamahalaan ng UAE ang malakas na suporta sa mga environmental at economy programs ng Pilipinas.
Sinabi pa ng mga UAE officials na hinihintay nila na maging miyembro ang Pilipinas sa “Global Mangrove Alliance,” na tiyak na kapaki-pakinabang sa bansa sa pagtugon sa mga kalamidad at disasters.
Sa panig ng Pangulo, sinabi nito na malaking tulong sa Pilipinas na maging miyembro ng alyansa.
“We have made great efforts to preserve and restore our mangrove ecosystem. As a matter of fact, the law in the Philippines is, you cannot touch mangroves at all, and because of that, the mangroves have grown back,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“In fact, they grow back so much that sometimes they are already beginning to block the rivers. So maybe there is much you can learn on the management of it because I think we have done as much as we can in terms of preservation,” dagdag ng Pangulo.
Tiyak aniyang interesado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na dumalo sa Global Mangrove Alliance.
“But again, the preservation of the mangroves is a very big issue. It is a very important point for the Philippines because of all the waterways that we have,” pahayag ng Pangulo.