P7-M danyos sa sunog sa Makati building

Nasunog ngayon umaga ang isang apat na palapag na gusali sa Makati City.

Base sa paunang impormasyon, ala-6:41 nang magsimula ang sunog sa gusali sa kanto ng Bakawan at Lumbayao streets sa Barangay San Antonio.

Pag-aari ng isang Rudy Tan ang gusali at okupado ng Burlington Industries.

Sa ikaapat na palapag ng gusali nagsimula ang sunog at inaalam pa ang sanhi nito.

Umabot pa sa 4th alarm ang sunog makalipas ang mahigit isang oras.

Tinatayang aabot sa P7 milyon ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

 

 

Read more...