Naghain si dating Senator Leila de Lima ng motion for reconsideration para mabaligtad ang pagtanggi ng korte sa Muntinlupa City na kanyang petisyon naman na makapag-piyansa.
Sa kanilang mosyon, ikinatuwiran ng kampo ni de Lima na nagkamali ang korte sa pagbasura sa kanilang petisyon.
“The Honorable Court gravely erred in using probable cause as the standard of proof in denying bail, instead of proof that the evidence of guilt is strongm,” ang mababasa sa mosyon.
Anila, sa kanilang palagay ay masyadong nabigyan ng bigat ang testimoniya ng mga testigo ng prosekusyon.
Noong Hunyo 7, ibinasura ni Judge Romeo Buenaventura ng Muntinlupa RTC Branch 256 ang mga petisyon at mosyon ni de Lima gayundin ng kanyang kapwa akusado na sina dating Bureau of Corrections (BuCor) Dir. General Franklin Jesus Bucayu, Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jose Adrian Dera.
Sa ngayon tanging ang case 17-167 na lamang ang kinahaharap ni de Lima matapos maibasura ang kinaharap niyang dalawang drug cases.