Ibinahagi ni bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Suharto Mangudadatu na may mga ginagawa ng hakbang para maplantsa ang mga gusot sa pagpapatupad ng kasalukuyang K-12 curriculum ng Department of Education (DepEd).
Aniya sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sila sa Senado at Kamara para maging maayos ang koordinasyon ng TESDA at DepEd ukol sa naturang programa.
Pag-amin ni Mangudadatu, may mga K-12 graduates na hindi nabibigyan ng sertipikasyon sa pagkuha nila ng short tech-voc courses dahil hindi accredited ang paaralan, gayundin ang mga guro.
Batid naman aniya nila na mas magkakaroon ng oportunidad ang K-12 graduates kung sila ay may sertipikasyon mula sa TESDA.
Inilatag din nito ang kanyang 10-point agenda ng kanyang termino, kabilang na ang TESDA sa Barangay, Youthpreneurship, at HALAL TVET.