Bagong DOH chief hiniritan ni Sen. Tolentino na suriin ang kondisyon ng Pinoy nurses

 

Hinikayat ni Senator Francis Tolentino si bagong Health Secretary Ted Herbosa na magpatupad ng mga bagong pamamaraan para hindi umalis ng Pilipinas ang mga Filipino nurses.

“Papaano natin ma-enganyo ang ating mga kababayang nurses na gusto natin matulungang huwag muna umalis sa Pilipinas?” ang tanong ni Tolentino sa panayam niya kay Herbosa.

Binanggit ng senador na ang pangunahing problema sa industriya ay ang isyu ng kompensasyon sa mga nasa pampubliko at pribadong ospital.

Ani Tolentino, hindi makakaila na napakalaki ng pagkakaiba ng suweldo ng mga nurse sa Pilipinas at ang mga nasa ibang bansa.

Sinabi naman ni Herbosa na nakikipag-usap na sila sa Professional Regulations Commission (PRC) para payagan kahit ang mga lisensiyadong nurse na makapag-trabaho sa mga pasilidad ng gobyerno, lalo na ang mga bagong graduates.

Inihain ni Tolentino ang Senate Bill 1447, o ang  Philippine Nursing Practice Act of 2022, na ang layon ay mapagbuti ang kondisyon ng mga nurse sa bansa.

 

Read more...