Dalawang kadete sinipa sa PNPA, 43 sinuspindi

Inalis  sa PNP Academy (PNPA) ang dalawang kadete, samantalang 43 naman ang sinuspindi dahil sa ibat-ibang paglabag.   Pinirmahan ni PNPA director, Police Maj. Gen. Eric Noble ang dismissal order ng dalawang kadete, na hindi na pinalanganan gayundin kung ano ang kanilang mga kasalanan.   Sinabi nito na napatunayan sa pag-iimbestiga ang mga alegasyon laban sa dalawang kadete.   “These actions send a clear message that the academy does not tolerate those who were found violative of academy rules and regulations,” sabi ng opisyal.
  May 13 sa mga sinuspindi naman ang kinailangan na bumaba sa susunod na “lower class” dahil sa “academic issues.”   Bukod pa dito, may 30 iba pa ang sinuspindi dahil sa “non-academic and tactics deficiencies.”   “With a vision to produce the country’s finest law enforcerment officers, the academy imposes strict rules and regulations to ensure that every cadet enrolled in its program adheres to its highest standards of excellence,” dagdag pa ni Noble.

Read more...