9,314 katao nanatili sa mga evacuation center sa Region 5 dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Mayon

 

Nasa 9,314 katao o 2,638 na pamilya ang nanatili ngayon sa 21 mga evacuation centers sa Region 5.

Ito ay dahil sa patuloy nap ag-aalburuto ng Bulkang Mayon na ngayon ay nasa Alert Level 3.

Base sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, galing ang mga evacuees sa 21 barangay.

Limang siyudad at munisipyo na ang nag-suspendi ng klase.

Nasa 450,000 na family food packs na ang naipamahagi sa mga apektadong residente.

 

Read more...