Manila Clock Tower Museum dadagdagan ng attractions

 

Balak ng lokal na pamahalaan ng Maynila na dagdagan ang attraction sa Manila Clock Tower Museum.

Ito ay matapos magpasa ng resolusyon ang Manila City Council sa pangunguna ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto kung saan binibigyan ng awtoridad si Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na pumasok sa isang public bidding para magkaroon ng lease contracts sa mga private entities upang magamit ang mga nakatiwangwang na puwesto sa Clock Tower.

Target ng lokal na pamahalaan na lagyan ng souvenir at coffee shops para makapag-relax ang mga bisita. Lalagyan din ito ng language translations para sa mga dayuhan.

Isa ang Manila Clock Tower Museum sa pinakabagong tourist attraction sa lungsod ng Manila

Itinuturing ito na mahalagang cultural at industrial melting spot sa Southeast Asia.

Matatagpuan ang Cloco tower sa Manila City Hall.

Mayroon itong pitong palapag, 200 steps na aakyatin kung saan makikita ang mga masterpieces ng mga notable artists ng Pilipinas.

Makikita rin sa Clock Tower ang Battle of Manila na nangyari noong World War II.

Una nang binuksan ni Lacuna-Pangan ang Clock Tower noong Oktubre 2022.

Bukas ang museum mula Lunes hanggang Biyernes ng 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Maaring makapasok ang mga walk-ins para sa buwan ng Hunyo para sa pagdiriwang ng Araw ng Manila.

 

 

Read more...