Preemptive evacuation sa Albay isinagawa

 

Nagsagawa na ng preemptive evacuation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Daraga, Albay.

Ito ay bilang paghahanda sap ag-aalburuto ng Bulkang mayon na ngayon ay nasa Alert Level 3 na.

May mga modular tent na sa Camalig Bungkaras Evacuation Center sa Barangay Bongabong sa Camalig para sa mga evacuees na inilikas mula sa Barangay Tumpac na nasa kriitikal na posisyon sa palibot ng bulkan.

Nagsisilbi namang temporary shelter ngayon ang isang paaralan sa Oson, Tabaco City para sa mga evacuees.

Nakahanda na rin ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development, Philippine National Police at ilang medical personnel.

 

Read more...