Umaasa si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na magkakaroon ng malinaw na direksyon at disiplina sa Land Transportation Office(LTO).
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee on Public Services, na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, kinamusta ni Pimentel ang LTO kay Transportation Sec. Jaime Bautista at inusisa ang ilang kontrobersyal na isyu sa ahensiya.
Kabilang sa mga tanong ni Pimentel kay Bautista ay ukol sa relasyon ng DOTr at LTO, gayundin ang kontrol ng kalihim sa ahensiya.
Sinabi ni Bautista na may “oversight function” ang kanyang opisina sa LTO at maari din nila baligtarin ang anumang desisyon ng ahensiya.
Sa paliwanag ni Bautista, sinabi ni Pimentel na umaasa siya na magkakaroon na ng kaayusan, disiplina, direksyon at kalinawan sa LTO at pinatiyak niya ito sa kalihim.